Frequently Asked Questions | Green GSM

Page banner
Banner icon
Help Center
Help Center
SEARCH
Anong maitutulong namin sa’yo?
Nagkaroon ako ng seryosong aksidente o insidente habang nasa biyahe, ano ang dapat gawin?Ano ang gagawin ko kapag feeling ko unsafe na ang biyahe?Paano kung hindi tugma ang driver at vehicle info sa app?Paano kung naging bastos o nang-harass ang driver?Paano kung delikado o reckless magmaneho ang driver?Paano mag-book ng ride sa app?
Categories
Common Issues
1. Safety

Pasensya na po sa nangyaring insidente. Sundin ang mga steps na ito para masiguro ang iyong kaligtasan at makakuha ng tulong: I-click ang emergency button sa Green GSM app order screen. Tumawag sa 143 para sa emergencies o pumunta sa pinakamalapit na medical facility. Kontakin agad ang pulis 117 o iba pang kinauukulang awtoridad. I-record ang importanteng detalye tulad ng oras, lokasyon, at mga taong sangkot. Kung kaya, kumuha ng photos bilang ebidensya. Para sa karagdagang tulong, tumawag sa aming hotline: Customer : 02-7777-8080 Driver: 02-7777-9090
2. Transportation and other services of Green GSM

Paano Mag-Book ng Ride nang Mabilis sa Green GSM App Sundin lang ang mga steps na ito para sa convenient at mabilis na booking: Step 1: Piliin ang Pick-up at Drop-off Location Sa main screen, ilagay ang iyong destination sa "Destination" field. I-confirm ang iyong current location sa "Pick-up" field o gamitin ang GPS para automatic na ma-detect ang location mo. Step 2: Piliin ang Vehicle Type Ipapakita ng app ang mga available na service options sa area mo. I-check ang service fees at piliin ang type ng service na swak sa budget at pangangailangan mo. Step 3: Piliin ang Payment Method at I-enter ang Promo Code (kung meron) Step 4: I-Confirm at I-Book ang Ride I-double check ang pick-up, drop-off details, at service type. Tap "Book" para i-submit ang ride request. Step 5: Hintayin ang Driver Confirmation Hahanapin ng app ang pinakamalapit na driver at bibigyan ka ng notification kapag may nag-accept ng trip. Makikita mo ang driver details tulad ng pangalan, photo, plate number, at estimated arrival time. Step 6: Kontakin ang Driver kung Kailangan Pwede kang tumawag o mag-message sa driver via app kung kailangan i-confirm ang pick-up location o ibang detalye. Step 7: Sumakay at Simulan ang Trip Pagdating ng driver, i-verify ang vehicle at driver info. Kapag tama, sumakay na at simulan ang biyahe papunta sa iyong destination. Step 8: Payment at Rating Pagkatapos ng trip, automatic na madededuct ang bayad gamit ang napili mong payment method o pwede ka ring magbayad ng cash. Huwag kalimutang magbigay ng rating para makatulong sa pag-improve ng service quality. Note: I-tap ang (i) icon sa tabi ng service name para makita ang terms and conditions ng bawat service type.
3. Fares and payment methods

Madali at mabilis lang magdagdag o mag-update ng iyong payment method: 1. I-tap ang "Account" sa ibabang kanan ng main screen. 2. Piliin ang "Payment" at i-tap ang "Add payment method." 3. Ilagay ang kinakailangang detalye at ayos na! Maaari mo ring i-update ang payment mo sa booking screen: 1/ I-tap ang payment icon sa itaas ng "Green Now" button. 2/ Piliin ang existing na payment method o magdagdag ng bago sa "Payment Method." 3/ Ilagay ang mga detalye at tapos na! Simple at convenient!
4. Promo codes and discounts

Steps para gamitin ang promo o discount codes: 1. I-enter ang pickup at destination sa booking screen. 2. Pumili ng transportation service. 3. I-tap ang "Promotion" sa itaas ng "Book" button at i-enter ang promo code. 4. I-review ang discounted na fare at pumili ng payment method. 5. I-tap ang "Book" nang mahanapan ka ng driver at masimulan ang iyong trip sa Green GSM. *I-explore ang iba pang exclusive promos na nasa "Notifications" icon o di kaya sa main page ng app.
5. Account and personal data security

Para magregister ng Green GSM account, sundin ang mga sumusonod na steps: 1. I-download ang Green GSM app sa Google Play Store o App Store. 2. Buksan ang app at i-enter ang iyong phone number, at i-tap ang "Continue". 3. I-enter ang OTP code na sinend galing sa Viber o SMS. 4. I-enter ang iyong pangalan at iba pang impormasyon (email, referral code if available). 5. Magset ng password at simulan na ang pagbook sa Green GSM. Have a great ride with Green GSM!
6. Application

Paano i-troubleshoot ang Green GSM app: 1. I-check ang iyong network connection: Tignan ang iyong Internet connection gamit ang web browser. Kung hindi ka maka-connect, maaring may isyu ang iyong network connection. Tawagan agad ang iyong network provider upang ayusin or ma-restore ang iyong connection. 2. I-update ang app: Siguradohing updated ang iyong Green GSM app sa latest version nito na available sa Google Play Store (for Android) or the App Store (for iOS). 3. I-force close ang app: I-close at i-reopen ang app. Pwede ring i-restart ang iyong device kung kinakailangan. 4. Kontakin ang Green GSM Support: Kung ayaw pa ring gumana ng iyong app matapos sundin ang mga naunang steps, kontakin agad ang Green GSM Support for assistance. Mag-attach ng screenshot ng error na nakikita mo sa iyong app para mapabilis ang pag-assist ng support team sayo.
Kung kailangan mo ng tulong, i-contact lang ang Support Center sa Account section ng app
1. I-click ang “Account” sa navigation bar at piliin ang “Support Center.
Support method
2. Puwede kang mag-email o tumawag sa Green GSM hotline para sa mabilis na support.
Support method
I-Download ang Green GSM App
Mas convenient
Mas maraming promos
Download app qrcode
Download App
Download App
GREEN AND SMART MOBILITY PHILIPPINES INC.
Consumer Hotline Number: 02-7777-8080 Driver Hotline Number: 02-7777-9090
Company Email: support.ph@greensm.com
Address: 12th Floor, Five E-Com Center, Harbor Drive Cor. Bayshore, Mall of Asia Complex, Brgy. 76, Pasay City 1300
SOCIAL MEDIA
facebookLinkedInInstagram
© 2025 Green GSM. All rights reserved | Terms & Legal | Privacy Policy
google play
apple store
Experience the App Now
Download app qrcode
Download app qrcode